Lunes, Marso 19, 2018

PAG-TITI-WALA

kumusta naman pagtitiwala?
ano bang meron ka, pagtitiwala?
hinahanap kita sa boyfriend ko, alam mo!!
Kaso nga, pagtitiwala, yung boyfriend ko nagagalit na.
Asan ka na ba? Hindi ko na sya masuyo.. .

Nakaidlip lang saglit akala'y may ibang kachat.
nilog out ang FB para subukan mag log in gamit ang bagong password, para alalahanin.
Kaso akala nya nagdedelit lang.
Mainit ang ulo nya kasi nga, pagtitiwala, ay kapag wala ka talaga, mainit talaga ang ulo. .
Matigas talaga ulo nya, pagtitiwala,
napakatigas talaga ng ulo nya.

Alam mo, pagtitiwala, hindi na rin ako ang profile picture nya.
Ikaw ba naman ay wala, kung ano ano talaga maiisip nya.
Baka masiraan na ng bait ang boyfriend kong tigang na sa pagmamahal.
Kaya parang awa mo na, magpakita ka na!!
Sampu ng mga santo,
Utang na loob lumabas ka na!!
Miss na miss ko na sya, . .
Yung dati na meron ka, nakakalambingan ko pa sya.
Nagpaplano para sa pamilya,
at bumubuo ng mga matatamis at masasarap at napakasarap talagang alaala..
Ngunit bigla ka nalang nawala. .
Oh, pagtitiwala, hindi na masaya,
hindi na nakakatuwa. .
Nakahanda pa naman akong supresahin sya sa makalawa. .
Kaso ngayon hindi na sya nagsasalita,
Sino ba namang hindi ma-bubuang, pagtitiwala???

Oh, pagtitiwala, kung asan ka man,
gusto kong malaman mo,
ako na lamang ang magpapa ubaya.
Gagawin ko ang lahat, para sya ay lumigaya kahit pa pagtitiwala, ay wala na talaga. .
Hanggang sa matutunan nyang ibalik ka,
Kahit wala naman talaga akong ginagawang masama o
masamang rason para iwalin ka nya. .

Sa boyfriend ko, sa taong pinangarap ko,
Mahal na mahal kita,
kahit pa pagtitiwala, ay wala na.
Ipagpapatuloy ko lamang gawin ang tama hanggang sa mapagtanto mo na deserving ako sa iyong pagtitiwala.

Lunes, Marso 12, 2018

Ang Isinumpang Prinsipe

Noong wala ka. . .
Ang isang relasyon ay binubuo lamang ng dalawang magkasintahan.
Na ang buhay ay matira matibay, kung
Lalaban ka ba para sa pera o
Susuko ka ba dahil sa pagod.
Hindi ko mabuo ang salitang 'pangarap',
Ang nakikita ko lang ay mga bagay at pagkain.
Na ang pagibig ay hanggang salita lang,
Madaling sabihin, madaling makalimutan.
Ang kinabukasan ay paggising sa umaga at pagtulog sa gabi.
Ang mundo ay hindi umiikot.
Ang tula ay walang tugma.

Noong dumating ka. . .
Ang relasyon ay binubuo ng dalawang magkasintahang nag-iibigan, 
Punong puno ng lambingan na may kahulugan.
Ang buhay ko'y ikaw.
Ang 'pangarap' ay binubuo ng isang ikaw.
na ang pag-ibig ay ikaw.
Ang kinubukasan ko ay nakikita kong kasama ikaw.
Ang mundo ay umiikot, masaya, punong puno ng pagmamahalan at mga pusong nagsisilutangan sa kawalan.

Mula noong dumating ka hanggang ngayon at hanggang sa dulo pa ng walang hanggan.

Ipagpaumanhin mo, hindi ka na makakaalis pa, wala ka ng kawala.
Wag mo ng balaking tumakas pa.
Masanay ka na, dahil ikaw ay nasa ilalim na ng aking sumpa. 
Na walang dasal para ito'y mawala.
Tinuruan mo akong lumaban; ikaw ang may sala,
Ngayon natutunan ko ng hindi sumuko,
Kahit pa magkagulo ang mundo, o
Mabuhay ang mga santo.
Hinding hindi kita bibitawan, yan ang iyong pang hawakan.
Iyan ang handog ko sa pagdating mo.

Maligayang pagdating mahal ko.

Biyernes, Marso 9, 2018

PRINSESA

Mag aalas dose nanaman,
Babalik muli sa dating anyo, pero maganda ka parin.
Parang panaginip lang ang lahat
sa pagpatak ng oras, mag iiba na ulit ang lahat.

Oh, mahal na prinsesa,
Magtiis ka muna.
Sa mga mapang aping akala mo kung sinong makapangyarihan.
Masaya silang nabubuhay sa masama.

Oh, mahal na prinsesa.
Anjan lang ang iyong prinsipe.
Hinahanap ka sa naiwan mong sakong.
Hinahanap ang nakahimlay mong katawan upang ikaw ay mahalikan.

Napakabuti mong prinsesa.
Kaya naman ikaw ang napili ng mga diwata.
Nakita nila ang kabutihan ng iyong loob,
ang saya sa iyong puso,
Kahit ikaw ay inaapi na.

Sa ngayon, isuot mo muna itong bestida
at itong mga alahas,
Kahit sa pagpatak ng alas dose ang muling mawawala.
Dahil sa huli mapupunta sayo kung ano ang nararapat.

Pasensya na kung kailangan mo itong pagdaanan, mahal na prinsesa.
Kailangan natin sumunod sa kwento.

Isang napakaganda babae, sa loob at labas, ang bukod-tangi sa lahat.
Ang mga diwata muna ang tutulong sayo upang mabawasan ang hapdi ng iyong nararanasan.

Hintayin mo lang at susunduin ka ng iyong prinsipe.
Dadalhin ka nya kung saan ka nararapat.
Dadalhin ka nya sa kanyang kaharian.
Kung saan lahat ay masaya,
Kung saan ikaw parin ang pinakamaganda at bukod-tangi sa lahat.

Wala ng karayom ang magpapatulog sayo.
Wala ng mansanas ang papatay sayo.
Wag kang magalala prinsesa,
Andito lang ang mga diwata at dwende na laging kakampi mo.

Ang Aking Diksiyonaryo

may gusto nanaman akong malaman.
nagaatubiling alamin ang kahulugan.
pakiramda'y ako lang ang hindi nakakaalam,
kaya nais ko agad itong matagpuan.

gagamitin ko ito sa pagbuo ng diwa,
at dahil may nais akong maunawaan,
at may nais akong gamiting bago sa aking buhay.

ang dami mong bersyon,
bawat nilalaman mo iba iba ang pagkasulat,
iba iba ang pagkapaliwanag,
iba iba ang gamit.

ngunit alin nga ba ang pinaka tama?
alin ang perpektong kahulugan?
mahalaga pa bang malaman kung alin?
hindi ba't ang gusto ko lang malaman ang kahulugan?
upang ako ay may matutunan.

anong klaseng diksyonaryo nga ba ang BUHAY ko?
ano nga bang gamit nito? para saan ito?
may kahulugan ba ito?
mahalaga bang perpekto ang kahulugan? ang paliwanag?

hindi ba't ang nais ko lang ay malaman ang kahulugan?
ang nais ko lang ay may matutunan.
may mababago ba pag' maghahanap ako ng ibang bersyon
o gagamitin ko nalang kung anong meron ako?
hindi ba't ang mahalaga ay makabuo ako ng isang diwa?

kahit ano pang bersyon ang gamit ko,
kung tama ang naunawaan ko sa kahulugan ng nilalaman mo,
hindi ko kailangan mamili,
kailangan ko lang alamin, unawain
ang layunin at kahulugan ng nilalaman mo
upang ang diwa, gamit ang diksyonaryo ko, ay mabuo ko na rin.

Miyerkules, Marso 7, 2018

Isang Araw na Pagibig

panibagong araw muli,
ikaw nanaman ang nais kong unang mabati.
magandang umaga aking hari,
pasulyap naman kahit sandali.

ikaw ang kape at pandesal sa aking umaga.
sa paggising, ikaw ang pampagana.
ramdam ko ang pagod mula sa kahapon.
buti nalang anjan ka,
ikaw ang gamot sa aking rayuma at presyon.

trabaho nanaman mahal ko,
buti naaalala ko ang sinabi mo kagabi,
para sa pangarap natin,
ito ay pagbubutihin ko lagi.

tumatakbo nanaman ang oras mahal,
kailangan ang mga kamay at paa'y paspas.
buti anjan ka, na aking agahan,
binibigyan mo ako lagi ng lakas.

ang baho ko nanaman mahal,
buti nalang hawak mo ang sabon na naglilinis at nagpapabango ng pananaw ko sa buhay.
halina't paliguan mo ako ng maligamgam mong pagmamahal.

tapos nanaman ang umaga aking asawa,
kay sarap naman ng tanghalian.
buti nalang nakita ulit kita,
anupa't ang mga ngiti mo'y ihain na.

magdamagang pagbabalat-kayo nanaman
ito sinta ko
buti nalang nasa mga mata mo ang sahod ko,
sa mga titig mo nakikita ko ang inspirasyon ko.

sa wakas, anupa'y ang hanapbuhay ay nairaos din.
hinahanap-hanap nanaman kita.
buti nalang ikaw ang aking tahanan,
ikaw lang ang nais makita, ang lagi kong gustong uwian.

nakakagutom naman oh giliw ko.
buti nalang anjan ka na kasalo ko sa hapunan,
sa lahat ng kulang, kasama kitang ito'y napupunan.

sa kadiliman ng gabi sumasabay ang malamig na hangin.
buti nalang ikaw ang apoy at panggatong sa aking gabihin,
napapainit mo ang nanlalamig kong puso,
ang galit at tampo ay magniningas din.

katapusan nanaman ng isang araw.
buti nalang ikaw ang aking kinabukasan,
dinudugtungan mo ang araw na nagwawakas,
kaya naman dahil sayo ako ay may araw araw.
at kaya ang bawat isang araw mong pagibig
ay pagibig na walang hanggan.

Ang Paborito Kong IKAW

Oo , ikaw nga .
yung taong mahal na mahal ko . Period . 

Yung tao na nagbibigay sa akin ng ngiti sa kawalan .
Kahit walang dahilan .
Yung isusulat ko ang pangalan mo sa buhangin gamit ang maliit na kahoy na napulot sa gilid, sabay ngiti.
Hay, nakakatuwang isiping nakatadhana ka sakin.
Kung pwede lang na ang araw na to' ay maulit bukas .
At sa susunod pang mga araw .
Para lagi lang tayong masaya.

Napaka mahiwaga mo.
Ang kapangyarihang dulot mo,
Kahit animo'y napakalayo, kahit saan ako mapadpad, nakikita ko lang lagi ang iyong anino.
At kapag tumingin ako sa langit,
tayong dalawa lang na nakahiga sa damuhan na nakatingin sa kalangitan, ang tanging naaaninag.
Nagmistulang manghuhula,
nakikita ko ang aking hinaharap na kasama mo
habang nakayakap sa likod mo, ika'y nagluluto ng agahan,
nakangiti, umaawit, masaya.

Ikaw lang talaga ang paborito ko.
Ang masayang musikang ibinigay mo sa nananahimik kong puso,
paulit-ulit kong pinapakinggan at hindi ako nagsasawa.
Sa dinami dami ng tao sa mundo, 
At sa sobrang lawak nito,
Napakagaling na tayo'y pinagtagpo.
Buong buhay kong ipagpapasalamat sa poong maykapal.
Yung akala mong putol na tulay ay may kadugtong pala.
Natakot ako at kinabahan, 
hindi ko alam kung saan ako dadaan, tapos naaninag kita sa malayo,
unti unti kitang nilapitan pero hindi ako nahuhulog,
naglakad lang ako at unti unti, ang takot at kaba ko napapawi
bumibilis ang tibok ng puso ko habang unti unting napapangiti, gusto kong tumakbo para makarating na agad sa'yo,
nagmistulang batang sabik na sabik sa tsokolate.
Kaya muli, salamat, sa Kataas-taasan, 
Nilagay mo ang pinakapaborito kong tao sa kabilang dulo ng tulay.
Ngayon ang panaginip kong madilim na kwarto ay isa ng nakakasilaw na umaga.

Sabado, Marso 16, 2013

You
pale, smart
loving, studying, learning
serious, clothes, language, friends
working, studying, loving
risk-taker, thrifty
Me