panibagong araw muli,
ikaw nanaman ang nais kong unang mabati.
magandang umaga aking hari,
pasulyap naman kahit sandali.
ikaw ang kape at pandesal sa aking umaga.
sa paggising, ikaw ang pampagana.
ramdam ko ang pagod mula sa kahapon.
buti nalang anjan ka,
ikaw ang gamot sa aking rayuma at presyon.
trabaho nanaman mahal ko,
buti naaalala ko ang sinabi mo kagabi,
para sa pangarap natin,
ito ay pagbubutihin ko lagi.
tumatakbo nanaman ang oras mahal,
kailangan ang mga kamay at paa'y paspas.
buti anjan ka, na aking agahan,
binibigyan mo ako lagi ng lakas.
ang baho ko nanaman mahal,
buti nalang hawak mo ang sabon na naglilinis at nagpapabango ng pananaw ko sa buhay.
halina't paliguan mo ako ng maligamgam mong pagmamahal.
tapos nanaman ang umaga aking asawa,
kay sarap naman ng tanghalian.
buti nalang nakita ulit kita,
anupa't ang mga ngiti mo'y ihain na.
magdamagang pagbabalat-kayo nanaman
ito sinta ko
buti nalang nasa mga mata mo ang sahod ko,
sa mga titig mo nakikita ko ang inspirasyon ko.
sa wakas, anupa'y ang hanapbuhay ay nairaos din.
hinahanap-hanap nanaman kita.
buti nalang ikaw ang aking tahanan,
ikaw lang ang nais makita, ang lagi kong gustong uwian.
nakakagutom naman oh giliw ko.
buti nalang anjan ka na kasalo ko sa hapunan,
sa lahat ng kulang, kasama kitang ito'y napupunan.
sa kadiliman ng gabi sumasabay ang malamig na hangin.
buti nalang ikaw ang apoy at panggatong sa aking gabihin,
napapainit mo ang nanlalamig kong puso,
ang galit at tampo ay magniningas din.
katapusan nanaman ng isang araw.
buti nalang ikaw ang aking kinabukasan,
dinudugtungan mo ang araw na nagwawakas,
kaya naman dahil sayo ako ay may araw araw.
at kaya ang bawat isang araw mong pagibig
ay pagibig na walang hanggan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento