Biyernes, Marso 9, 2018

PRINSESA

Mag aalas dose nanaman,
Babalik muli sa dating anyo, pero maganda ka parin.
Parang panaginip lang ang lahat
sa pagpatak ng oras, mag iiba na ulit ang lahat.

Oh, mahal na prinsesa,
Magtiis ka muna.
Sa mga mapang aping akala mo kung sinong makapangyarihan.
Masaya silang nabubuhay sa masama.

Oh, mahal na prinsesa.
Anjan lang ang iyong prinsipe.
Hinahanap ka sa naiwan mong sakong.
Hinahanap ang nakahimlay mong katawan upang ikaw ay mahalikan.

Napakabuti mong prinsesa.
Kaya naman ikaw ang napili ng mga diwata.
Nakita nila ang kabutihan ng iyong loob,
ang saya sa iyong puso,
Kahit ikaw ay inaapi na.

Sa ngayon, isuot mo muna itong bestida
at itong mga alahas,
Kahit sa pagpatak ng alas dose ang muling mawawala.
Dahil sa huli mapupunta sayo kung ano ang nararapat.

Pasensya na kung kailangan mo itong pagdaanan, mahal na prinsesa.
Kailangan natin sumunod sa kwento.

Isang napakaganda babae, sa loob at labas, ang bukod-tangi sa lahat.
Ang mga diwata muna ang tutulong sayo upang mabawasan ang hapdi ng iyong nararanasan.

Hintayin mo lang at susunduin ka ng iyong prinsipe.
Dadalhin ka nya kung saan ka nararapat.
Dadalhin ka nya sa kanyang kaharian.
Kung saan lahat ay masaya,
Kung saan ikaw parin ang pinakamaganda at bukod-tangi sa lahat.

Wala ng karayom ang magpapatulog sayo.
Wala ng mansanas ang papatay sayo.
Wag kang magalala prinsesa,
Andito lang ang mga diwata at dwende na laging kakampi mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento