Miyerkules, Marso 7, 2018

Ang Paborito Kong IKAW

Oo , ikaw nga .
yung taong mahal na mahal ko . Period . 

Yung tao na nagbibigay sa akin ng ngiti sa kawalan .
Kahit walang dahilan .
Yung isusulat ko ang pangalan mo sa buhangin gamit ang maliit na kahoy na napulot sa gilid, sabay ngiti.
Hay, nakakatuwang isiping nakatadhana ka sakin.
Kung pwede lang na ang araw na to' ay maulit bukas .
At sa susunod pang mga araw .
Para lagi lang tayong masaya.

Napaka mahiwaga mo.
Ang kapangyarihang dulot mo,
Kahit animo'y napakalayo, kahit saan ako mapadpad, nakikita ko lang lagi ang iyong anino.
At kapag tumingin ako sa langit,
tayong dalawa lang na nakahiga sa damuhan na nakatingin sa kalangitan, ang tanging naaaninag.
Nagmistulang manghuhula,
nakikita ko ang aking hinaharap na kasama mo
habang nakayakap sa likod mo, ika'y nagluluto ng agahan,
nakangiti, umaawit, masaya.

Ikaw lang talaga ang paborito ko.
Ang masayang musikang ibinigay mo sa nananahimik kong puso,
paulit-ulit kong pinapakinggan at hindi ako nagsasawa.
Sa dinami dami ng tao sa mundo, 
At sa sobrang lawak nito,
Napakagaling na tayo'y pinagtagpo.
Buong buhay kong ipagpapasalamat sa poong maykapal.
Yung akala mong putol na tulay ay may kadugtong pala.
Natakot ako at kinabahan, 
hindi ko alam kung saan ako dadaan, tapos naaninag kita sa malayo,
unti unti kitang nilapitan pero hindi ako nahuhulog,
naglakad lang ako at unti unti, ang takot at kaba ko napapawi
bumibilis ang tibok ng puso ko habang unti unting napapangiti, gusto kong tumakbo para makarating na agad sa'yo,
nagmistulang batang sabik na sabik sa tsokolate.
Kaya muli, salamat, sa Kataas-taasan, 
Nilagay mo ang pinakapaborito kong tao sa kabilang dulo ng tulay.
Ngayon ang panaginip kong madilim na kwarto ay isa ng nakakasilaw na umaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento