Noong wala ka. . .
Ang isang relasyon ay binubuo lamang ng dalawang magkasintahan.
Na ang buhay ay matira matibay, kung
Lalaban ka ba para sa pera o
Susuko ka ba dahil sa pagod.
Hindi ko mabuo ang salitang 'pangarap',
Ang nakikita ko lang ay mga bagay at pagkain.
Na ang pagibig ay hanggang salita lang,
Madaling sabihin, madaling makalimutan.
Ang kinabukasan ay paggising sa umaga at pagtulog sa gabi.
Ang mundo ay hindi umiikot.
Ang tula ay walang tugma.
Noong dumating ka. . .
Ang relasyon ay binubuo ng dalawang magkasintahang nag-iibigan,
Punong puno ng lambingan na may kahulugan.
Ang buhay ko'y ikaw.
Ang 'pangarap' ay binubuo ng isang ikaw.
na ang pag-ibig ay ikaw.
Ang kinubukasan ko ay nakikita kong kasama ikaw.
Ang mundo ay umiikot, masaya, punong puno ng pagmamahalan at mga pusong nagsisilutangan sa kawalan.
Mula noong dumating ka hanggang ngayon at hanggang sa dulo pa ng walang hanggan.
Ipagpaumanhin mo, hindi ka na makakaalis pa, wala ka ng kawala.
Wag mo ng balaking tumakas pa.
Masanay ka na, dahil ikaw ay nasa ilalim na ng aking sumpa.
Na walang dasal para ito'y mawala.
Tinuruan mo akong lumaban; ikaw ang may sala,
Ngayon natutunan ko ng hindi sumuko,
Kahit pa magkagulo ang mundo, o
Mabuhay ang mga santo.
Hinding hindi kita bibitawan, yan ang iyong pang hawakan.
Iyan ang handog ko sa pagdating mo.
Maligayang pagdating mahal ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento