may gusto nanaman akong malaman.
nagaatubiling alamin ang kahulugan.
pakiramda'y ako lang ang hindi nakakaalam,
kaya nais ko agad itong matagpuan.
gagamitin ko ito sa pagbuo ng diwa,
at dahil may nais akong maunawaan,
at may nais akong gamiting bago sa aking buhay.
ang dami mong bersyon,
bawat nilalaman mo iba iba ang pagkasulat,
iba iba ang pagkapaliwanag,
iba iba ang gamit.
ngunit alin nga ba ang pinaka tama?
alin ang perpektong kahulugan?
mahalaga pa bang malaman kung alin?
hindi ba't ang gusto ko lang malaman ang kahulugan?
upang ako ay may matutunan.
anong klaseng diksyonaryo nga ba ang BUHAY ko?
ano nga bang gamit nito? para saan ito?
may kahulugan ba ito?
mahalaga bang perpekto ang kahulugan? ang paliwanag?
hindi ba't ang nais ko lang ay malaman ang kahulugan?
ang nais ko lang ay may matutunan.
may mababago ba pag' maghahanap ako ng ibang bersyon
o gagamitin ko nalang kung anong meron ako?
hindi ba't ang mahalaga ay makabuo ako ng isang diwa?
kahit ano pang bersyon ang gamit ko,
kung tama ang naunawaan ko sa kahulugan ng nilalaman mo,
hindi ko kailangan mamili,
kailangan ko lang alamin, unawain
ang layunin at kahulugan ng nilalaman mo
upang ang diwa, gamit ang diksyonaryo ko, ay mabuo ko na rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento